Palasyo pinaalalahanan ang mga dayuhan na igalang at sundin ang mga ordinansa sa bansa
February 11, 2019
Infomercial kontra tigdas pangungunahan ni Pangulong Duterte
February 11, 2019
Show all

Comelec tiniyak na 100 percent na ma-itransmit ang resulta ng 2019 midterm elections

Tiniyak ng Comelec o Commission on Elections na ma-itransmit nito ang isang daang porsyento ng resulta ng 2019 midterm elections sa pamamagitan ng electronic transmission.

Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, sisiguraduhin ng Comelec na aabot ang resulta ng eleksiyon sa transparency server ng Comelec sa tamang oras.

Kasabay nito sinabi ni Casquejo na tiwala ang Comelec na hindi madadaya ang resulta ng darating na halalan dahil sa mga idinagdag na security features sa mga balota.

Samantala, tiniyak rin naman ni Casquejo na handa ang Comelec sa anumang uri ng pananabotahe o aberya sa darating na May 13 elections.

Comments are closed.