35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Comelec nagsimula nang mag-dokumento ng mga illegal campaign posters

- Advertisement -

Nagsimula nang mag-ikot ang monitoring teams ng Commission on Elections para i-dokumento ang mga campaign posters na oversized at nakalagay sa hindi common poster area.

Kabilang sa mga naunang nadokumento ng Comelec monitoring teams ang mga campaign posters ni dating Senador Jinggoy Estrada sa C-3 road, Tondo Manila.

Nakuhanan naman ng larawan ang mga posters nina Senador JV Ejercito at dating Senador Bong Revilla na nakabitin sa mga kawad ng kuryente sa Moriones St corner Kagitingan St sa Tondo, Maynila.

Nakita rin ang mga naglalakihang posters ni Lito Atienza na kinatawan ng Buhay Partylist at ang  oversized posters ng ACTS OFW Partylist Group sa bahagi pa rin ng Moriones St.

Samantala, bagamat tama ang sukat, nasa Dagupan bridge naman sa Moriones pa rin ang poster ng ang Kabuhayan Partylist.

Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng Comelec, marami sa mga kandidatong lumabag sa pantuntunan ng komisyon sa paglalagay ng campaign posters ang napadalhan na nila ng notice.

So Happy Valentines, Merry Christmas, Happy New Year, kasama iyan. Kasama ‘yung mga posters na walang nakasulat na kahit ano, mga mukha lang talaga nila. In violation kapag mali sa sukat at lokasyon. Pahayag ni Jimenez


Comelec tumangging isapubliko ang mga kandidatong nabigyan ng ‘notice’ dahil sa illegal campaign posters

Tumanggi ang Commission on Elections na isapubliko ang pangalan ng mahigit sa tatlumpung national candidates na nabigyan ng notice dahil sa kanilang illegal campaign posters.

Ayon kay Director James Jimenez, spokesman ng Comelec, bibigyan pa nila ulit nila ng isa pang pagkakataon ang mga kandidato na sundin kung ano ang nakasulat sa written notice.

Matapos anyang maipadala ang written notice ay aalamin naman ng kanilang regional offices kung nakasunod na ang mga kandidato.

Sinabi ni Jimenez na kapag hindi pa rin sumunod sa panuntunan ng komisyon ang mga kandidato ay saka nila ito sasampahan ng kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -