Comelec magpapasaklolo sa Facebook

Comelec magpapasaklolo sa Facebook

by Powered by DWIZ
0 comment 64 views

Magpapasaklolo na ang Commission on Elections sa Facebook upang matukoy ang uploader ng nag-viral na video, kung saan makikita ang pre-shading ng mga balota.

Ito, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kaugnay nang isinasagawang imbestigasyon ng poll body sa naturang insidente.

Aniya, sa ngayon ay wala pang sapat na ebidensiya ang Comelec upang matukoy kung saan ang eksaktong lokasyon ng video at kung kailan ito nangyari.

Sa naturang video, makikita ang isang babae na tila naglalagay ng shade sa mga balota.

Sinasabing nangyari ang pre-shading ng mga balota, sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Education and Information Division Director Frances Arabe, na tila hindi pre-shading ang ginagawa ng babae kundi pinipirmahan lamang ang mga balota ng maramihan.

Gayunman, hinikayat pa rin ni Jimenez ang uploader ng video na magtungo sa Comelec, at maghain ng reklamo.


PPCRV pinahintulutan na ng Comelec

Pinahintulutan na ng Commission on Elections (Comelec) ang PPCRV na ma-access ang data logs ng transparency server na nagkaaberya, noong Lunes.

Ito ang kinumpirma ni PPCRV Chairperson Myla Villanueva, kung saan makatutulong aniya ito upang masuri kung magtutugma ang datos na hawak nila, sa resulta mula sa transparency server.

Dahil dito, maari na rin aniyang matukoy ng PPCRV ang dahilan ng pag-bagsak ng transparency server ng poll body sa loob ng halos pitong oras.

Una rito, sinabi naman ni Comelec Spokesman James Jimenez na technical glitch lamang ang dahilan ng naganap na aberya.

——

0 comment

Related Posts