COMELEC hinimok ang publiko na magsumbong ukol sa mga di tamang paglagay ng campaign materials

by Powered by DWIZ
0 comment
COMELEC hinimok ang publiko na magsumbong ukol sa mga di tamang paglagay ng campaign materials

Hinimok ng COMELEC o Commission on Elections ang publiko na magsumbong hinggil sa mga makikitang iligal na campaign materials na hindi nakaayon sa mga alituntunin ng komisyon.

Kabilang sa mga maituturing na paglabag ay ang paglalagay o pagdidikit ng mga campaign materials sa mga lugar na hindi kabilang sa common poster areas na itinalaga ng COMELEC.

Nilinaw naman ng COMELEC na tanging mga campaign materials pa lamang ng mga national candidates ang kasalukuyan nilang sinusuring mabuti at hindi pa kabilang dito ang mga lokal na posisyon dahil sa Marso 29 pa magsisimula ang campaign period para sa mga ito.

Related Posts