COMELEC handa nang buksan ang logs ng transparency server

by Powered by DWIZ
0 comment
COMELEC handa nang buksan ang logs ng transparency server

Handa ang COMELEC o Commission on Elections na buksan ang logs ng transparency server sa PPCRV o Parish Pastoral for Responsible Voting Headquarters.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, layon nitong mapawi ang anomang pangamba sa naganap na eleksiyon.

Bukas ang komisyon sa third party audit para makita ang mga naging aktibidad ng server.

Matatandaang nagkaroon ng kuwestiyon matapos na magkaroon ng delay sa transmission ng boto noong Lunes ng gabi dahil umano sa java error.

Related Posts