34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Coconut farmers trust fund: Mga magniniyog sawa na sa paghihintay

- Advertisement -

Dismayado ang Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog o KILUS Magniniyog sa panibagong panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas na magtatag ng coconut farmers trust fund para sa mga benepisyaryo ng 100 billion peso Coco Levy Fund.

Ayon kay KILUS Magniniyog Convenor Rene Cerilla, ilang dekada na o masyado nang matagal ang kanilang hinintay at tila nagsasawa na rin sila sa mga pangako ng Pangulo.

Setyembre noong isang taon nang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Coconut Farmers and Industry Development Trust Fund Act habang noon namang Marso, lumusot sa Senado ang kahalintulad na bill.

Samantala, inihayag ni Philippine Coconut Authority Administrator Romulo Dela Rosa na hindi lamang mga magniniyog ang matutulungan sa trust fund kundi ang buong coconut industry.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -