32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Cloud seeding ops hindi naging madali — NDRRMC

- Advertisement -

Hindi naging madali para sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa mga lugar na apektado ng El Niño phenomenon.

Ito’y makaraang tukuyin ang cloud seeding bilang solusyon upang maibsan ang mapaminsalang epekto ng panahon ng tagtuyot.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, maraming proseso ang kailangang ikonsidera upang maisagawa ang naturang operasyon.

Kabilang aniya rito ang pagkonsidera sa mga ulap na maaaring pagtaniman ng asin at ang availability ng mga gagamiting eroplano.

Gayunman, magugunitang sinabi ng National Irrigation Administration na ang nabanggit na hakbang ay dapat na maging huling hakbang lamang dahil sa malaking halaga na kakailanganin para rito.

Samantala, itinakdang isagawa ang cloud seeding operations mula noong ika-labing-apat hanggang ika-21 ng Marso ngayong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -