Cloud seeding operations sisimulan na ngayong araw

Cloud seeding operations sisimulan na ngayong araw

by Powered by DWIZ
0 comment 77 views

Sisimulan na ngayong araw ang pagsasagawa ng cloud seeding operations.

Ito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay inirekomendang isagawa sa Regions 2 at 12 sa pagitan ng March 14 hanggang March 21.

Nakapagpalabas na rin ng mahigit labing walong (18) milyong pisong pondo sa mga regional office ng Department of Agriculture para maisagawa ang naturang operasyon katuwang ang Philippine Air Force (PAF).

Samantala, sinabi naman ni Usec. Ricardo Jalad, Executive Director ng NDRRMC na ginagawa ng gobyerno ang lahat para tiyaking may sapat na tubig para sa publiko.

—-

 

 

 

0 comment

Related Posts