33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Clergymen pinalayas sa Balangiga Plaza dahil ayaw makita ng Pangulo—Diocese of Borongan

- Advertisement -

Inalmahan ng Diocese of Borongan sa Eastern Samar ang ginawang pagpapalayas umano ng mga tauhan ng Malakanyang sa ilang obispo at pari sa isinagawang handover ceremony ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Balangiga bells kahapon.

Batay sa Facebook post ng Diocese of Borongan, inabisuhan umano sina Borongan Bishop Crispin Varquez, US Military Ordinate Archbishop Tim Broglio at Papal Nuncio to the Philippines Gabriele Giordano Caccia na lisanin ang auditorium ng munisipyo kung saan ginawa ang seremoniya.

Ayon sa post, tanging si CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines president at Davao Archbishop Romulo Vallez lamang ang nais na makita ng Pangulo sa naturang okasyon.

Sinasabi rin sa post na pina-aalis din umano ng mga tauhan ng Palasyo ang roman collar o ang kulay puting kuwelyo ng mga paring sasaksi sa okasyon upang hindi umano magalit ang Pangulo.

Hinarangan din umano ng mga taga Malakanyang ang mga pari ng upuan upang hindi umano sila makita ng Pangulo.

Magugunitang mainit ang dugo ng Pangulo sa mga pari at obispo ng Simbahang Katolika dahil sa walang patid na birada ng mga ito sa kampaniya ng administrasyon kontra iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -