31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

CHR may babala ukol sa pagsasapubliko ng ‘narco list’

- Advertisement -

Ibinabala ng CHR o Commission on Human Rights na posibleng mauwi sa gulo ang pagsasapubliko ng narco list bago ang May 13 midterm elections.

Ayon sa CHR, posibleng mauwi lamang sa character assasination, paninira at gulo ang balak ng DILG o Department of Interior and Local Government na ilabas ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Kasabay nito, hinamon rin ng CHR si DILG Sec. Eduardo Año na kasuhan na lamang ang mga pulitikong kabilang sa nasabing narco list.

Samantala, nanindigan naman si Año na tuloy na tuloy ang paglalabas ng DILG sa nasabing narco list bago ang eleksiyon sa Mayo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -