Chop-chop victim natagpuan sa Pampanga

by Powered by DWIZ
0 comment
Chop-chop victim natagpuan sa Pampanga

Isang babaeng chop-chop victim ang natagpuan sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni Angeles City Police Chief, Lt. Col. Narwin Mangune ang biktimang si Lindsey Avelino, 29 anyos, residente ng Purok Dos, Barangay Amsic.

Narekober anya ang ilang bahagi ng katawan ni Avelino tulad ng braso na nakasilid sa washing machine habang ang kanyang ulo, hita at kamay ay nasa maleta.

Suspek sa pamamaslang ang live-in-partner ng biktima na si Eduardo Pasion na inamin ang krimen sa kanyang employer na nagsumbong naman sa mga pulis.

Agad napatay si Pasion matapos itong manlaban sa mga aarestong pulis.

Selos ang motibo sa pamamaslang matapos paghinalaan ni Pasion si Mangune na may ibang lalake.

Related Posts