33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pinas pinagbabayad ng buwis

- Advertisement -

Pinagbabayad ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng buwis ang libo-libong Chinese nationals na nagta-trabaho sa bansa.

Ayon kay Recto, tama lamang ang naging desisyon ng Department of Finance na bigyan ng ultimatum ang mga Chinese workers para sa pagbabayad ng buwis.

Dagdag pa nito, isa sa mga dahilan kung bakit naglilipana ang mga banyagang manggagawa sa Pilipinas ay dahil nakakalusot ang mga ito sa pagbabayad ng buwis.

Una rito, inianunsyo ng Bureau of Internal Revenue na target nilang makakolekta ng P22-B buwis mula sa mga Chinese nationals at iba pang foreign workers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -