29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Chinese draft ng oil and gas exploration agreement posibleng gawa ni Trillanes

- Advertisement -

Itinanggi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy”  Locsin Jr na authentic ang sinasabing kopya ng draft ng joint oil and gas exploration sa pagitan ng Pilipinas at China na isiniwalat ni Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Locsin, isa lamang ang nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa at ito ay ang memorandum of agreement on the oil and gas development na siya mismo ang may-akda.

Aminado ang kalihim na hindi niya alam kung saan at paano nakuha ni Trillanes ang nasabing dokumento na posibleng ginawa lamang ng staff ng senador.

Magugunitang naglabas noong isang linggo ang kampo ng mambabatas na isa sa matinding kritiko ng Duterte administration ng draft umano ng framework agreement sa joint maritime oil and gas exploration.

Ibinunyag ng senador na nagmula ang dokumento sa kanyang impormante.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -