Chinese Amb. Zhao inalmahan ang pahayag ni DND Sec. Lorenzana sa mga Chinese POGO workers

Chinese Amb. Zhao inalmahan ang pahayag ni DND Sec. Lorenzana sa mga Chinese POGO workers

by Powered by DWIZ
0 comment 34 views

Inalmahan ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga Chinese POGO workers.

Una nang inihayag ni Lorenzana na posibleng mag-espiya ang mga Chinese worker malapit sa mga base ng AFP at PNP.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagtext si Zhao sa kanya at sinabing paano kung ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs na nasa China naman ang isipin nilang nag eespiya sa kanila.

Dagdag pa ng Palace official, nais lamang pawiin ni Zhao ang pangamba ng mga Pilipino sa mga tsinong nagtatrabaho sa casino.

0 comment

Related Posts