31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

China walang galang sa Pilipinas — Malakanyang

- Advertisement -

Walang galang ang China sa Pilipinas.

Ito ang naging matapang na reaksiyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos mamataan na dumadaan ang mga Chinese warships sa Sibuti Strait— na karagatang sakop ng EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, walang permiso ang China mula sa gobyerno, dahil wala naman aniyang koordinasyon na ginawa ang China.

Dagdag pa ni Panelo, kung nag abiso lamang ang China, ay hindi na sana na-alarma pa si Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Kaugnay nito sinabi rin ni Panelo na kung totoong kaibigan ng Pilipinas ang China—bilang kortesiya sa teritoryong sakop ng bansa ay magbibigay ito ng pahiwatig sa pagdaan sa Pilipinas.

Gayunman, iginiit rin naman ni Panelo na malaki ang posibilidad na hindi alam ng Chinese government ang aksiyong ginawa ng kanilang warships.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -