China paparusahan ang mga US Firm na magbebenta ng armas sa Taiwan

by Powered by DWIZ
0 comment
China paparusahan ang mga US Firm na magbebenta ng armas sa Taiwan

Papatawan ng parusa ng China ang mga kumpanya ng amerika na mabebenta ng mga tangke, missiles at iba pang kagamitanmg pandigma sa Taiwan.

Ito ang ibinabala ng China, kasunod ng anunsyo ng Pentagon na inaprubahan na ng US State Department ang hiling ng Taiwan na makabili ng mga armas sa Amerika.

Ayon sa tigapagsalita ng Foreign Ministry ng China, isang seryosong paglabag sa International Law, pamantayan kaugnay ng International Relations at kanilang one China Policy ang pagbebenta ng mga armas ng Estados Unidos sa Taiwan.

Makapagdudulot din aniya ito ng pinsala sa soberenya, National Interestat seguridad ng China.

Samantala, hindi naman nagbigay ng komento ang US State Department sa nakatakdang pagbebenta ng armas ng mga US Firms sa Taiwan.

Related Posts