ChaCha sa pederalismo di pa kailangan ngayon — Pangilinan

0
96

Nakatakdang ipatawag ng senado ang ilan sa mga kilalang personalidad na eksperto sa larangan ng batas sa Hulyo 17, Martes.

Ito’y sa isasagawang pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments para talakayin ang draft federal constitution mula sa binuong consultative committee.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, chairman ng komite, maliban sa mga legal luminaries tulad nila Atty. Christian Monsod, Dating Chief Justice Reynato Puno, Dating Chief Justice Hilario Davide at iba pa.

Inimbitahan din nila ang kinatawan mula sa mga survey firms tulad ng Pulse Asia at Social Weather Stations.

Pero para kay Pangilinan, naniniwala siyang may mga isyu na mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pagpapalit ng saligang batas patungo sa pederalismo.

“Ang interes ng taong bayan is yung papaano natin pabababain ang presyo ng mga bilihin, paano natin madadagdagan ang trabaho ng ating mga kababayan, in other words, paano natin pasisiglahin ang ekonomiya, paano natin mabibigyan ng mas dagdag na kinikita ang ating mga kababayan, ganun eh. So hindi nila nakikita yung kung ano ba ang direktang relasyon nitong charter change.”

Giit ni Pangilinan, kailangang malinawan ang publiko hinggil sa isyu ng federalismo lalo’t maraming iba pang isyu ang pinalulutang kaugnay nito.

“Kasi may mga bitiw na salita na voting jointly daw na kahit hindi sumama ang senate, itutuloy nila. Nagtataka kami dahil ano ba ito, pwersahan ba ito, nagmamadali? Bakit ba nagmamadali sa usaping ito? Dahil ba magkakaroon na ng halalan? And ieven if you question non -election, we believe, a no election scenario in the extension of our terms, in that context, will require charter change.”