CBCP pinaalalahanan ang mga botante

by Powered by DWIZ
0 comment
CBCP pinaalalahanan ang mga botante

Pinaalalahanan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP ang mga botante na huwag magpadala sa mga survey na tumutukoy sa mga kandidatong malakas umano ang tsansang manalo sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, hindi dapat naaapektuhan ang mga botante ng survey kung sino ang ihahalal nila.

Hindi umano kasi ipinapaliwanag kung bakit at papaanong nagbabago ang posisyon ng mga kandidato sa ranking kaya’t nagdudulot lamang ito aniya ng kalituhan sa publiko.

Samantala, inamin ng CBCP na wala namang umiiral na “Catholic vote” sa bansa kahit nagpapalabas sila ng mga panuntunan na kanilang magagamit sa pagboto.

Related Posts