Cardinal George Pell hinatulan ng 6 na taong pagkakakulong

by Powered by DWIZ
0 comment
Cardinal George Pell hinatulan ng 6 na taong pagkakakulong

Hinatulan ng anim na taong pagkakakulong si Cardinal George Pell makaraang mapatunayang maysala sa kasong sexual abuse sa dalawang lalaking koro sa Melbourne, Australia.

Disyembre ng nakaraang taon nang mapatunayang guilty ang pitumpu’t pitong (77) taong gulang na cardinal sa pang-aabuso ng dalawang batang lalaki na nasa labing-tatlong (13) taong gulanglamang.

Nangyari umano ang naturang insidente matapos ang isang misa noong 1996.

Samantala, ikinagimbal naman ito ng simabahang katolika kung saan isa si Pell sa pinakamalapit na tagapayo ng santo papa.

Si Pell din ang pinakamatandang imahe ng Simbahang Katolika na nahatulang guilty sa kasong sexual offense laban sa mga bata.

Related Posts