67 katao huli sa anti-criminality campaign sa Maynila
January 11, 2019
Karagdagang pension sa mga Filipino war veterans tiniyak
January 11, 2019
Show all

Campaign giveaways planong i-regulate ng Comelec

Posibleng magpalabas ang Comelec o Commission on Elections ng listahan ng mga campaign giveaways na maaring ipamahagi ng mga kandidato sa nalalapit na midterm elections sa buwan ng Mayo.

Ito ay kaugnay ng nag-viral na larawan sa social media kung saan makikita na ipinamahagi ng isang kandidato ang underwear na may tatak na pangalan nito.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nakababahala ang kakaibang giveaway na ipinamimigay ng ilang mga kandidato, at dapat itong ipagbawal.

Una rito, inamin naman ni Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez na tali ang kanilang kamay sa isyu ng premature campaigning.

Comments are closed.