Buong bansa makakaranas ng mga pag-ulan ngayong araw — PAGASA

Buong bansa makakaranas ng mga pag-ulan ngayong araw — PAGASA

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Nakakaapekto sa bansa ang Northeasterly surface windflow o ang hanging nagmumula sa Hilagang Silangan.

Ayon sa PAGASA, mararanasan ng buong Luzon at Visayas ang maalinsangang panahon at panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Inaasahan naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Mindanao.

Huling namataan sa layong 1,895 kilometro hilagang silangan ng extreme Northern Luzon ang typhoon Hagibis, at pinaniniwalaang papalayo na ito sa bansa.

Samantala, nakataas naman ang gale warning at pansamantalang ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan Islands, Cagayan, Northern Coast ng Ilocos Norte, Aurora at Isabela.

0 comment

Related Posts