32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

BuCor target na magkaroon ng tinatayang 1,700 paroled inmates

- Advertisement -

Inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon na target nilang magkaroon ng tinatayang 1,700 paroled inmates sa katapusan ng taon.

Sinasabing nakapagtala na ang BuCor ng higit sa 1,500 pardoned inmates mula Enero hanggang Nobyembre, taong kasalukuyan.

Hanggang kahapon, Disyembre 14, aabot na sa 98 inmates ang nabigyan ng parole ni Faeldon.

Tiniyak naman ni Faeldon na mabibigyan ng transportation allowance ng BuCor ang mga paroladong bilanggo upang masigurong makakauwi ang mga ito.

Maliban dito, ayon kay Faeldon, plano rin ng BuCor na itaas sa P70 ang meal allowance ng bawat preso mula sa kasalukuyang P60 kada araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -