Bucks wagi kontra 76ers

by Powered by DWIZ
0 comment
Bucks wagi kontra 76ers

Kumamada ng nakalululang 45 puntos si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na nanguna sa kanilang pagkapanalo kontra Philadelphia 76ers.

Nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 128 – 122.

Nag-ambag din sa Bucks si Khris Middleton na nakapagtala ng 22 puntos at si George Hill na mayroon namang 20 puntos.

Samantala, bigo namang maipanalo ni Joel Imbiid ang 76ers sa kanyang 34 na puntos at 13 rebounds.

Sunod namang makakaharap ng nag-waging Bucks ang koponan ng Brooklyn Nets sa Linggo.

Related Posts