Bucks panalo sa game 1 ng Eastern Conference Finals

by Powered by DWIZ
0 comment
Bucks panalo sa game 1 ng Eastern Conference Finals

Hawak na ng Milwaukee Bucks ang unang panalo sa Eastern Conference Finals ng NBA kontra Toronto Raptors.

Naungusan ng Bucks ang Raptors sa game one ng best of seven series sa score na 108-100 sa kanilang paghaharap sa homecourt ng Milwaukee sa Fiserv Forum Stadium, Wisconsin.

Nagpakawala ng 29 points si Brook Lopez upang iangat ang Milwaukee habang nagpaulan ng 31 points si Kahwi Leonard para sa Toronto.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa game 2 sa balwarte pa rin ng Bucks, bukas.

Samantala, magsasagupaan sa game 2 ng Western Conference Finals ang defending champion Golden State Warriors at Portland Trail Blazers ngayong araw.

—–

Related Posts