BRGY . TANOD NA PUMATAY SA DAY CARE WORKER NA ASAWA AT BIYENAN NITO SA CAMARINES SUR SUMUKO NA

BRGY . TANOD NA PUMATAY SA DAY CARE WORKER NA ASAWA AT BIYENAN NITO SA CAMARINES SUR SUMUKO NA

by RPN News
182 views

IRIGA CITY – Sumuko na ang pangunahing suspect sa brutal na pag-patay sa sariling asawa at biyenan nito sa bayan ng Bula, Camarines Sur dalawang araw matapos karumal-dumal na krimen sa day care teacher na asawa at sa nanay nito.

konsensya ang umusig sa suspect kung kayat napadali an paghahanap ng mga autoridad.

Tanghali kahapon nang sumuko sa Daraga Municipal Police Station ang suspek na si Joey Cariaga Y Baldova, 46 anyos. Sinamahan si Cariaga ng kanyang pinsan at kanyang abogado na si Atty. Felix Brazil.

Si Cariaga na isang barangay tanod ang itinuturong salarin sa brutal na pagpatay sa asawa nitong si Noemi Antioquia-Cariaga, 40 ayos, daycare teacher at biyenang si Florencia Antioquia y Soreta, 80 anyos parehong mga residente ng Barangay Sagrada, Bula.

Sariwa pa sa isip ng 13 anyos na anak ni Noemi kung paano nya nakitang naliligo sa sariling dugo ang kanyang ina at lola.

Samantala, sa panayam ng Radyo Ronda kay Police Senior Inspector Rustom Dela Torre, hepe ng Bula PNP sinabi nitong nakahanda ang lahat ng dokumento para sa kasong parricide at murder.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bula Municipal Police Station ang sumukong suspek.

0 comment

Related Posts