Break away group sa PDP laban kakasuhan

0
50

Kakasuhan ni PDP Laban o Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan President Senador Koko Pimentel ang mga nasa likod ng isinagawang iligal na national assembly at pagtatayo ng paksyon sa kanilang partido kahapon.

Ayon kay Pimentel, hindi otorisado ang nasabing national assembly at wala rin silang ipinalabas na abiso hinggil dito.

Sinabi pa ni Pimentel, nagmistula lamang mga komedyante ang mga nasa likod ng nasabing pulong dahil nabigo ang mga ito sa tangkang pang-aagaw sa liderato ng PDP Laban.

Sa isinagawang national assembly ng PDP Laban sa Quezon City kahapon, nagkaroon ng eleksyon ng mga bagong opisyal ng kanilang partido kung saan hinirang bilang bagong pangulo si Rogelio Garcia bilang kapalit umano ni Pimentel.

Habang nahalal na bagong secretary general si Makati City Councilor Willy Tayag na papalit umano kay Cong. Pantaleon Alvarez.