Boston Celtics dinaig ang Indiana Pacers

by Powered by DWIZ
0 comment
Boston Celtics dinaig ang Indiana Pacers

Dikit ang naging laban sa pagitan ng Boston Celtics at Indiana Pacers ngunit nanaig pa rin ang pwersa ng Celtics sa kanilang laban na nagtapos sa iskor na 114 – 112.

Nanguna sa pagkapanalo ng Celtics si Kyrie Irving na kumamada ng 30 puntos at limang assists.

Nag-ambag din ng 19 na puntos si Al Horford at 16 na puntos naman si Jaylen Brown.

Bigo namang maipanalo ni Bojan Bogdanovic ang Pacers sa kanyang pangunguna na nakapagtala ng 27 puntos.

Samantala sunod na makakaharap ng nanalong Celtics ang Brooklyn Nets bukas.

Related Posts