Bobby Eusebio pormal nang naghain ng electoral protest vs. Vico Sotto

Bobby Eusebio pormal nang naghain ng electoral protest vs. Vico Sotto

by Powered by DWIZ
0 comment 78 views

Pormal nang naghain ng reklamo sa COMELEC o Commission on Elections ang natalong mayoral candidate ng Pasig na si dating mayor Bobby Eusebio.

Ibinahagi ng Mayor Elect Vico Sotto ang larawan ng electoral protest ni Eusebio sa social media.

Ipino protesta ni Eusebio ang naganap di umanong dayaan noong nakaraang halalan sa naturang bayan.

Sinabi ni Sotto, ayos lang sa kaniya na maghain ng electoral protest si Eusebio para mapatunayang naging tama ang resulta ang bilangan.

Hangad niyang magkaroon ng inner peace si Eusebio at handa rin siyang makipagtulungan dito para sa maayos na transisyon sa city hall.

Matatandaang binuwag ni Sotto ang 27 taong pamumuno ng pamilya Eusebio sa naturang lungsod.

0 comment

Related Posts