29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Bloke-blokeng cocaine muling nakuha sa baybayin ng Catanduanes

- Advertisement -

Muli na namang nakakuha ng bloke-blokeng cocaine na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Catanduanes.

Ayon kay Major Malou Calubaquib, Public Information Office Chief ng Police Regional Office Bicol, nakuha ng tatlong mangingisda ang nasa walong kilong iligal na droga na nakalagay sa pitong bloke na may tatak na dollar sign.

Sa pagtaya ng PDEA Region 5, pumapalo sa apatnapu’t tatlong (43) milyong piso ang halaga ang nakuhang cocaine.

Nitong nakalipas na buwan ay sunod-sunod na narekober ang bloke-blokeng cocaine sa karagatang sakop ng Davao Oriental, Quezon, Camarines Norte, Dinagat at Siargao.

(Ulat ni Jaymark Dagala) / Photo Credit: PRO-5

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -