Bledsoe nagtamo ng injury habang naglalaro laban sa Utah Jazz

Bledsoe nagtamo ng injury habang naglalaro laban sa Utah Jazz

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Pansamantalang hindi muna makakapaglaro sa pagbubukas ng NBA season si Milwaukee Bucks Guard Eric Bledsoe matapos itong magtamo ng rib fracture.

Natamo ni Bledsoe ang kanyang injury habang naglalaro sa pre-season rout laban sa Utah Jazz nakaraang Miyerkules.

Inaasahan naman ng Bucks na hindi makakapaglaro si Bledsoe ng tatlong linggo kung saan hindi ito mapapasama sa line up sa kanilang unang laro laban sa Houston Rockets sa October 24.

Magugunitang naglaro si Bledsoe sa tatlong unang NBA season sa Los Angeles Clippers bago lumipat sa Bucks at may average score itong 14.1 points, 4.8 assists at 3.9 rebounds.

0 comment

Related Posts