BJMP naka-red alert ngayong Mahal na Araw

by Powered by DWIZ
0 comment
BJMP naka-red alert ngayong Mahal na Araw

Nagtaas na ng red alert status ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ngayong araw na ito para matiyak ang kaligtasan ng mga piitan ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay BJMP Director Allan Iral, inaasahang dadagsa ang mga bibisita sa mga bilangguan ngayong linggong ito kaya’t paiiralin ang red alert status hanggang Sabado de Gloria.

Sinabi ni Iral na inatasan na niya ang lahat ng regional directors na bantayan ang pagtanggap ng mga bisita at tiyaking maiiwasan ang anumang untoward incident.

Kanselado aniya ang leave ng halos labing apat na libong (14,000) tauhan nila sa halos limandaang (500) bilangguan sa buong bansa.

Pinaigting din ang security at safety measures dahil sa paglahok ng ilang bilanggo sa mga aktibidad kaugnay ng Semana Santa.

—-

 

 

 

Related Posts