Binabantayang LPA ng PAGASA inaasahang papasok ng PAR bukas

by Powered by DWIZ
0 comment
Binabantayang LPA ng PAGASA inaasahang papasok ng PAR bukas

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, July 14.

Batay sa pinakabagong datos ng PAGASa, huling namataan ang nabanggit na sama ng panahon sa layong 1,380-kilometro silangan ng Mindanao.

Kasabay ng inaasahang pagpasok sa bansa ng LPA bukas, sinabi ng PAGASA na malaki rin ang posibilidad na maging ganap itong bagyo sa Martes, July 16.

Gayunman, hindi naman inaasahan ng PAGASA na tatama ito sa kalupaan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, nakararanas ng kalat-kalat na pagulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang bahagi ng Mindanao, Visayas at Palawan bunsod ng buntot ng LPA.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa ilang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Related Posts