Bilang ng pasahero sa mga pantalan pumalo na sa halos 100,000 kahapon

by Powered by DWIZ
0 comment
Bilang ng pasahero sa mga pantalan pumalo na sa halos 100,000 kahapon

Pumalo na sa halos 100,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, kahapon – Lunes Santo.

Batay sa monitoring ng PCG o Philippine Coast Guard, naitala ang mga pasahero sa mga pantalan ng Batangas, Oriental Mindoro, Quezon Province at Romblon.

Kabilang rin naman sa nasabing bilang ang mahigit 10,000 pasahero na dumagsa sa mga pier sa Visayas region.

Sa ngayon, tiniyak naman ng PCG na mas paiigtingin pa nila ang ipatutupad na seguridad dahil inaasahang tataas pa ang bilang ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong araw.

Related Posts