33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Bilang ng nasawi dahil sa tigdas nasa 90 na

- Advertisement -

Nasa 90 na ang tinatayang bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas.

Ito’y makaraang tatlong pasyente pa ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa tigdas sa San Lazaro Hospital sa Maynila habang nasa mahigit 300 pasyente pa ng kaso ng tigdas ang kasalukuyang ginagamot dito.

Ayon kay San Lazaro Spokesman Doctor Ferdinand De Guzman, may komplikasyon na nang dalhin sa ospital ang mga nasawi kaya’t malala na ang kondisyon ng mga ito.

Payo ni De Guzman sa mga magulang, dalhin ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital sa lalong madaling panahon para maiwasan ang pagkakaron ng iba pang komplikasyon.


DOH at DEPED nagsanib-pwersa na kontra tigdas

Bumuo na ang Department of Health at Department of Education ng task force kontra tigdas na tututuok sa mga bata na pinaka-bantad sa nabanggit na sakit.

Nakatakdang maglatag ang joint task force ng guidelines para sa implementasyon ng outbreak response immunization activities.

Sa ilalim nito, pangungunahan ng DepEd ang pangangalap ng datos sa measles cases sa mga paaralan at tutulong sa pag-monitor ng mga absent na estudyante at pangasiwaan ang evaluation ng vaccination status ng mga bata.

Mangunguna naman ang DOH sa pagbibigay sa DepEd ng measles information at vaccination sa mga paaralan at pagbalangkas sa guidelines ng deklarasyon ng school holidays sa mga lugar na mayroong outbreak ng tigdas.

Contributor: Drew Nacino

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -