Bilang ng naaresto sa election gun ban umabot na sa 3,000

by Powered by DWIZ
0 comment
Bilang ng naaresto sa election gun ban umabot na sa 3,000

Umabot na sa mahigit tatlong libong (3,000) katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) simula noong ipinatupad ang gun ban para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP Spokesman Bernard Banac, sa kabuuang tatlong daang libong (300,000) checkpoint operations na isinagawa ng pulisya sa buong bansa umabot sa tatlong libo’t isang daan (3,100) ang nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Kabilang dito ang dalawang libo’t siyamnaraang (2,900) sibilyan, tatlumpu’t dalawang (32) PNP personnel, apatnapu’t apat (44) na elected officials at limampu’t dalawang (52) security guards.

Aniya, nakumpiska rin nila ang dalawang libong (2,000) iba’t-ibang uri ng baril at dalawampu’t dalawang libo (22,000) iba pang uri ng deadly weapons.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Banac na sinampahan na ng kasong administratibo ang mga pulis na naaresto.

—-

 

 

 

 

Related Posts