29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Bilang ng mga sumukong convict na nakinabang sa GCTA nadagdagan pa

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang bilang ng mga sumukong convict na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance kasunod ng 15 araw na ibinigay na grace period ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tala ng PNP, nasa 45 katao ang sumuko sa iba’t ibang police stations sa buong bansa.

Pinakamaraming sumukong preso sa Police Regional Office 2 na mayroong kabuuang bilang na 24 , kasunod nito ang Police Regional Office 7 na mayroong pitong presong sumuko, apat sa PRO 13, tig-dalawa sa PROs 5, 6 at NCRPO at tig-isa naman sa PROs 3, 4-A, 8 at PROCOR.

Sa mga sumuko, 14 ang may kasong murder, 17 ang may kasong rape, apat ang may kasong robbery with homicide, tatlo ang robbery with rape, dalawa sa dangerous drug at tig-isa sa mga kasong murder and robbery, murder and frustrated murder, attempted rape with homicide, murder, homicide, double frustrated murder and grave threats at isa rin sa parricide na kaso.

Kaugnay nito, nakiusap si PNP Chief Police General Albayalde sa natitira pang presong nakinabang sa GCTA na sumuko na at wag nang hintayin pang matapos ang ultimatum ng pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -