Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho tumaas

by Powered by DWIZ
0 comment
Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho tumaas

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa kabila ng pagbaba ng joblessness rate sa bansa para sa unang kwarter ng 2019.

Ito ay batay sa pinaka-huling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan bumaba sa 19.7 percent ang joblessness rate o katumbas ng 9.4 milyong Pilipino ang walang trabaho.

Matatandaang, nasa 21.2 percent ang joblessness rate noong 2018, pero katumbas lamang ito ng siyam na milyong Pilipino.

Ayon sa SWS, sa kabila ng pagdami ng mga walang trabaho, ay naitala pa rin ang mas mababang joblessness rate dahil sa paglago ng labor force sa mahigit 40 milyong Pilipino.

Ang joblessness rate ay binubuo ng mga nag-boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, nawalan ng trabaho at naghahanap ng bagong trabaho.

—–

Related Posts