Bilang ng mga personalidad na sangkot sa ‘narco-list’ madaragdagan pa

by Powered by DWIZ
0 comment
Bilang ng mga personalidad na sangkot sa ‘narco-list’ madaragdagan pa

Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mahirap at mahabang proseso ang aabutin bago mailabas ang komprehensibong listahan ng mga personalidad na sangkot sa iligal na droga.

Sa panayam ng DWIZ kay Pdea Dir/Gen. Aaron Aquino, kaniyang sinabi na ito ang dahilan kaya’t aabot lang sa 46 ang mga pangalang naisumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na siya namang inilabas nito sa publiko.

Magugunitang kinumpirma ng PDEA na may iba pang mga personalidad tulad ng mga huwes, piskal, artista at mga miyembro ng media na sangkot din sa illegal drug trade.

“Ang pag-revalidate, pag-validate ng impormasyon sa isang miyembro ng narco-list sa ating listahan ay hindi biro, hindi napakadali, hindi namin pwedeng gawin overnight. Mahabang proseso, masalimuot, maraming nagiging problema sa pag dating sa revalidation at sa workshop namin. It will take so much time na ganoon kahaba at hindi yan natatapos ng overnight ang pag-revalidate.” Pahayag ni Aquino.

Dagdag pa ni Aquino, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga personalidad na nasa kanilang narco – list dahil karamihan dito ay gumagamit ng cocaine kaya’t hindi sila mahahalata kung pagbabatayan ay ang kanilang hitsura.

“Well, ang natukoy natin dalawa pa lang. Pero alam mo ang mga artista na nasa narco-list 31 lahat ‘yan. So ‘yan ang tinitingnan namin, itong 31 na ito talagang mga sikat ito. Tiningnan ko mga pangalan hindi naman laos ito. Pati mga prosecutors and judges, mayroon tayong 13 judges at 10 prosecuotrs sa narco list ngayon. Hihimay-himayin ko pa sa media kasi ang hirap kasi minsan nasa narco list pangalan lang so hindi namin ma-determine kung ito ay nasa print, TV or radio.” Ani Aquino.

Samantala, sinabi ni Aquino na sa 46 na mga pangalang isinapubliko ni Pangulong Duterte, nasa proseso na sila ng case build up upang tuluyan na silang masampahan ng kasong kriminal sa korte.

“Nag-case build up kami ngayon at patuloy ang pag tulong ng iba’t ibang ahensya para magkaroon ng hard evidence, strong evidence para magkaroon ng tight case. Eventually, pag nakuha namin ang kailangan na ‘yan pwede na namin sila file ng criminal case.” Ani Aquino.

interview from Todong Nationwide Talakayan

Related Posts