Bella Padilla nagsalita na sa Engagement ng kanyang Ex boyfriend na si Neil Arce at Angel Locsin

by Powered by DWIZ
0 comment
Bella Padilla nagsalita na sa Engagement ng kanyang Ex boyfriend na si Neil Arce at Angel Locsin

Inilahad na ni Bella Padilla ang kanyang saloobin sa engagement ng kanyang dating kasintahan na si Neil Arce at Angel Locsin.

Hindi inaasahan na sasagutin ni Bella ang isang netizens na nangumusta sa kalagayan ng kanyang puso sa gitna ng planong paglagay sa tahimik nina Neil at Angel.

Sinabi ni Bella na bakit naman iisipin ng naturang netizens na siya ay apektado gayong sa katotohanan ay masaya siya para sa dalawa.

Matatandaang 2017 nang magkahiwalay sila Bella at Arce matapos ang 4 na taong relasyon matapos na aminin ni Bella na mas nais niyang tutukan ang kanyang career.

 

 

 

 

Related Posts