Bela Padilla at Dani Barretto nagkaayos na

Bela Padilla at Dani Barretto nagkaayos na

by Powered by DWIZ
0 comment 38 views

Pinatunayan ng aktres na si Bela Padilla na nagkaayos na nga sila ng kanyang best friend na si Dani Barretto.

Ito ay matapos ibahagi ni Bela sa kanyang instagram account ang larawan kasama ang bagong panganak na baby girl ni Dani na si Millie.

Sa caption ng larawan, sinabi ni Bela na nagagalak siyang makita sa kauna-unahang pagkakataon si Millie.

Nag-comment naman sa larawan si Dani at sinabing masaya siyang nagkita na sa wakas sina Bela at kanyang baby girl.

Binanggit din ni Dani ang katagang ‘love you belly’.

Magugunitang umugong ang spekulasyong nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Bela at Dani matapos mapansin ng mga netizens na inunfollow nila ang isa’t isa sa instagram.

Ito ay matapos namang maipit at madamay si Bella, third party issue nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barreto.

0 comment

Related Posts