31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Beermen nalusutan ng Fuel Masters sa Philippine Cup

- Advertisement -

Nalusutan ng Phoenix Fuel Masters ang defending champion San Miguel Beermen sa huling bugso ng elimination round ng 2019 PBA Philippine Cup.

Dinikdik ng Phoenix ang San Miguel sa score na 96-93 upang masungkit ang top spot sa kartadang 9-2 at  twice-to-beat advantage sa first round ng playoffs.

Sa kanilang paghaharap sa panabo sports complex sa Davao del Norte, pinangunahan ng 25 points ni Matthew Wright ang panalo ng fuel masters habang sumalaksak ng 29 points si Junmar Fajardo para sa SMB.

Sa huling isa’t kalahating minuto ng game, nagpakawala ng Tres si Wright upang basagin ang pagkakatabla ng score sa 90 bago sundutan ng isa pang long range 3-pointer  ng rookie of the year na si Jason Perkins.

Dahil dito, sumadsad sa 4th spot ang Beermen sa standing na 6-4.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -