35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

BB Gandanghari isinugod sa ospital matapos makaranas ng pambubully

- Advertisement -

Nagulantang ang mga netizens nang kalampagin ng dating aktor ngayo’y transgender woman na si BB Gandanghari ang social media.

Ito’y makaraang i-post ni BB sa kaniyang social media accounts ang nangyaring pagkaka-ospital niya dahil sa umano’y nararanasang pambubully.

Sa kaniyang Instagram post, makikita sa larawan ang kamay ni BB na may suot na hospital tag habang may caption na “say no to workplace bullying”.

Bagama’t hindi na nagbigay ng detalye pa si BB sa kaniyang post hinggil sa naranasang workplace bullying, ibinahagi na lamang nito na pinayuhan siya ng kaniyang mga doktor na magpahinga matapos na makaranas ng high blood dulot ng emotional stress at severe anxiety attack.

Dahil dito, umani ng 2,000 reaksyon at halos 200 comment ang post ni BB na kasalukuyang nakabase na ngayon sa Amerika.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -