Bawas-presyo sa LPG inilarga na

by Powered by DWIZ
0 comment
Bawas-presyo sa LPG inilarga na

Nagpatupad ng bawas-presyo sa kanilang ibinebentang Liquified Petroleum Gas (LPG) at auto LPG ang mga kumpanyang Petron at Phoenix Petroleum.

Epektibo 12:01 kaninang hatinggabi, P0.20 kada kilo o katumbas ng P2 at P0.20 sa kada 11kg ng tangke ang bawas sa LPG.

Habang P0.10 naman ang kaltas sa kada litro ng auto LPG.

Ang rollback ay bunsod ng pagbabago sa international contract price ng LPG ngayong Mayo.

Related Posts