Batas sa mas malaking plate number sa mga motorsiklo nilagdaan na

by Powered by DWIZ
0 comment
Batas sa mas malaking plate number sa mga motorsiklo nilagdaan na

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na gawing mas malaki ang plate number ng mga motorsiklo.

Saklaw din ng Republic Act 11235 o Motorcycle Prevention Act ang mga tricycle.

Sa ilalim ng bagong batas, mas madali nang makita ang plate number dahil bukod sa mas malaking plaka ay maglalagay na rin nito sa harapang bahagi ng motor.

Magiging color coded na rin ang registration ng mga motorsiklo para madaling malaman kung saang rehiyon nakarehistro ang motorsiklo.

Nahaharap ang sinumang lalabag sa bagong batas ng pagkakakulong ng anim (6) hanggang labing dalawang (12) taon o multa mula limampung libong piso (P50,000) hanggang isang daang libong piso (P100,000).

—-

 

 

 

 

Related Posts