Batas na naghahati sa lalawigan ng Palawan walang koneksyon sa isyu sa WPS — Malakanyang

by Powered by DWIZ
0 comment
Batas na naghahati sa lalawigan ng Palawan walang koneksyon sa isyu sa WPS — Malakanyang

Pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyong pabor sa China ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte na naghahati sa lalawigan ng Palawan.

Ito ay kaugnay ng mariing pag-tutol ni Sen. Risa Hontiveros sa nasabing batas kung saan sinabi nitong binibigyang oportunidad ng pamahalaan ang China na maimpluwensiyahan ang local government units sa Palawan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador panelo, walang koneksiyon ang nilagdaang r.a 11259 sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Panelo, layunin lamang ng nasabing batas na pabilisin ang paghahatid ng basic services sa mga malalayong bayan dahil isang malaking lalawigan ang Palawan.

Sa ilalim ng R.A 11259, mahahati sa tatlong lalawigan ang Palawan at itatag ang mga bagong lalawigan na tatawaging Palawan Del Norte, Palawan Del Sur at Palawan Oriental.

Related Posts