Batanes niyanig ng M-4.2 na lindol

0
55

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Batanes.

Naitala ng Pilippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong 35 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Sabtang kaninang alas-5:37 ng umaga.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 18 kilometro.

Naitala naman ang intensity 1 sa Basco, Batanes.

Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.


Davao del Sur

Niyanig naman ng magnitude 3.4 na lindol ang Davao City kanilang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, natukoy ang sentro ng lindol sa layong limang kilometro timog kanluran ng Davao City.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 23 kilometro.

Naramdaman ang intensity 2 sa naturang lungsod.

Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.

—-