30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Basurang itinambak ng Canada sa PH posibleng hakutin anumang oras — DENR

- Advertisement -

Posible nang hakutin anumang araw ng Canada ang mga basurang itinambak nito sa Pilipinas.

Ito, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda kaugnay ng naging pahayag ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., na wala nang atrasan ang deadline na Mayo 15 na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghakot ng Canada sa mga basura nito sa bansa.

Ayon kay Antiporda, handang handa na ang mga ahensiya ng pamahalaan na ibalik sa Canada ang mga itinambak nitong basura sa Pilipinas.

Aniya, hinihintay na lamang nila na mai-proseso ng Canada ang mga papeles para sa shipment ng mga naturang basura.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -