Baron Geisler hinirang bilang ambassador of peace and prosperity

Baron Geisler hinirang bilang ambassador of peace and prosperity

by Powered by DWIZ
0 comment 24 views

Hinirang bilang ambassador of peace and prosperity si Baron Geisler.

Sa kanyang instagram, ipinagmalaki ni Baron ang appointment sa kanya ng Sultante of Sulu at North Borneo.

Aniya, hindi ito sa usapin ng relihiyon kundi ang pag uugnay sa mga Pilipino at nagbibigay ng inspirasyon ng pagbabago sa pamamagitan ng kanyang naging karanasan.

Panahon na aniya para itapon ang galit at hindi pagkakaintindihan at palitan ito ng pagpapatawad para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating kinabukasan at pag-asa ng sangkatuhan.

Ilang beses nang nadala sa rehabilitation center si Baron dahil sa kanyang pagiging alcoholic ngunit napagtagumpayan din niya ito at muling nakabalik sa showbusiness.

0 comment

Related Posts