Barangay Lady Captain sa Sarangani Province Patay sa pamamaril

0
55

General Santos City – Isa namang pamamaril ang nangyari sa barangay Baluan,General Santos City, kagabi 8:30 sa harap ng mga nag titinda ng balot. Ang biktima nakilalang si Barangay Kapitan Jonalyn Castillo Sumangka  37 anyos ng Barangay Baluntay,Alabel, Sarangani Province.

Ayon sa initial na imbestigasyon ng mga kapulisan ,habang nasa naturang lugar ang kapitana kasama ang kanyang asawa,na si Jhonny Balahim Kinjiyo 53 anyos isang retired pulis, bigla na lamang nilapitan ng riding in tandem at pinagbabaril .Agad na tumakas ang mga suspek pag katapos ang ginawang pamamaril,habang ang mga biktima ay dinala ng mga concerned citizen sa SOCKSARGEN Hospital pero matapos ang ilang oras binawian ng buhay ang Brgy. Captain. Habang ang kanyang asawa ay patuloy na nagpapagaling sa hospital.

Isa sa mga anggulong tinututukan ngayon ng pulisya ay ang bangayan sa lupa o land conflict. Napag alaman na isang broker ng lupa si Brgy. Captain Sumangka sa kanilang lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here