35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Banta ng pagpapabagsak sa gobyernong Duterte nananatili ayon sa AFP

- Advertisement -

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na mayroon talagang ‘Red October’ plot ang komunistang grupo.

Ayon kay AFP Chief of Staff Carlito Galvez, nais ng komunistang grupo na maging madugo ang gagawin nilang pagkilos kaya’t tinawag nila itong Red October.

Gayunman, dahil aniya sa mga matagumpay na operasyon ng AFP at PNP ay parang nabuhusan ng malamig na tubig ang apoy na nais pasiklabin ng grupo.

Sinabi ni Galvez na tuloy-tuloy pa rin ang mobilization na ginagawa ng CPP-NPA subalit tuloy-tuloy ring nabibigo ang mga ito dahil sa mga operasyon ng AFP at PNP.

Pinakahuli sa matagumpay na operasyon aniya ng AFP ang pagkakahuli kay National Democratic Front consultant Edelberto Silva at apat na kasamahan nito na hinihinalang mga NPA sa Laguna.

Isa si Silva sa mga NDF consultants na pinalaya noon para sana sa peace talks.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -